Maligayang Kaarawan, Kagawad Laurence 'Cocoy' Esteban!
- Angat, Bulacan

- Feb 22
- 1 min read

Isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ang bumalot sa Barangay Pulong Yantok ngayong araw sa pagdiriwang ng kaarawan ng isa sa mga aktibong haligi ng lokal na pamahalaan, si Kagawad Laurence "Cocoy" Esteban.
Sa pangunguna ni Punong Barangay Renato “Abong” San Pedro at ng buong Sangguniang Barangay, ipinaabot ng pamunuan ang kanilang taos-pusong pagbati at pagkilala sa tapat na serbisyo ni Konsi Cocoy. Bilang Chairman ng Committee on Education, naging instrumento si Kagawad Esteban sa pagtataguyod ng mga programa para sa kabataan at sa ugnayan ng mga paaralan sa komunidad.









Comments