top of page
bg tab.png

Maligayang Kaarawan, Kagawad Joel!


Isang mainit at taos-pusong pagbati sa kaarawan ang ipinaabot ng Pamahalaang Barangay ng Sta. Cruz para sa isa sa kanilang mga masisipag at maaasahang opisyal na si Kagawad Joel Trinidad.


Ang pagbati ay pinangunahan ni Kapitan Mille "Junjun" Cruz, kasama ang buong Sangguniang Barangay at mga tauhan ng pamahalaang lokal.


Pinasalamatan ng pamunuan ng barangay si Kagawad Trinidad para sa kaniyang walang-sawang paglilingkod, dedikasyon, at patuloy na pagtupad sa kaniyang sinumpaang tungkulin para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Sta. Cruz.

Bukod sa pasasalamat, nagpaabot din ang buong Sangguniang Barangay ng panalangin para sa kaarawan ni Kagawad Trinidad. Hangad ng pamunuan na patuloy siyang pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, gabay, at ilayo sa anumang kapahamakan habang patuloy na naglilingkod sa komunidad.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page