Maligayang Kaarawan, Kagawad Aaron Villanueva Flores!
- Angat, Bulacan

- Feb 20
- 1 min read

Isang masaya at mapagpalang araw ang ipinagdiriwang ngayon ng buong komunidad ng Barangay Sta. Cruz para sa kaarawan ng isa sa kanilang mga katuwang sa pag-unlad, si Kagawad Aaron Villanueva Flores.
Sa pangunguna ni Punong Barangay Mille "Junjun" Cruz, katuwang ang buong Sangguniang Barangay, ipinaabot ng pamunuan ang kanilang taos-pusong pagkilala sa dedikasyon ni Konsi Aaron. Kinikilala ang kanyang walang pagod na pagseserbisyo at ang tunay na malasakit na kanyang ipinapamalas sa bawat tungkulin na kanyang ginagampanan para sa ikabubuti ng mga mamamayan ng Sta. Cruz.









Comments