top of page
bg tab.png

Maligayang Kaarawan Cong. Ador Pleyto!


Isang mainit at taos-pusong pagbati ang ipinaabot ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista para sa kaarawan ng kinatawan ng Ikaanim na Distrito ng Bulacan, Cong. Ador Pleyto.


Sa isang pahayag, kinilala ni Mayor Jowar ang malaking kontribusyon at walang sawang suporta ni Cong. Pleyto sa Bayan ng Angat. Ayon sa Punong Bayan, ang dedikasyon at malasakit ng Kongresista ay nagsilbing susi sa pagsasakatuparan ng maraming proyekto, oportunidad, at pag-unlad na direkta nang nararamdaman ng mga Angateño.


Bukod sa pasasalamat, nagpaabot din ng panalangin ang lokal na pamahalaan para sa mabuting kalusugan, lakas, at karunungan ng Kongresista.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page