Maligayang Kaarawan, Barangay Tanod Leandro Rosales!
- Angat, Bulacan

- Jul 17
- 1 min read

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa kaarawan ang ipinaabot ng Pamahalaang Barangay ng Sulucan para sa isa sa kanilang masisipag na katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa komunidad, si Barangay Tanod Leandro Rosales.
Ang pagbati ay pinangunahan nina Punong Barangay Kgg. Richard Castro Cruz, Sangguniang Kabataan (SK) Chairman Alex Cruz Hernandez, kasama ang buong Sangguniang Barangay, SK Council, at mga barangay volunteers.
Pinasalamatan ng pamunuan ng barangay ang walang-sawang dedikasyon, puyat, at sakripisyo ni Tanod Rosales sa pagbabantay sa seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan sa buong Sulucan.
Kasabay ng pagbati, nag-alay din ng taos-pusong panalangin ang buong barangay para sa kaniyang kaarawan.









Comments