top of page
bg tab.png

Malaking Ginhawa sa mga Driver: LTO License Assistance Program, Isinagawa sa Brgy. Sta. Lucia

Isang malaking tulong para sa mga nagnanais magkaroon ng lisensya ang inilunsad sa Barangay Sta. Lucia kamakailan, sa pamamagitan ng LTO Promo License Assistance Program na ginanap nitong Hunyo 27 at 28, mula 8:00 AM hanggang 2:00 PM sa mismong Barangay Hall.


Ang programa, na isinagawa sa pakikipagtulungan ni Barangay Captain Alexander Tigas, ay nagbukas ng pinto para sa mga accredited driving schools at medical clinics upang direktang maihatid ang kanilang serbisyo sa komunidad. Hindi lamang ito eksklusibo para sa mga taga-Sta. Lucia dahil naging bukas din ito para sa lahat ng residente ng iba't ibang barangay sa bayan ng Angat.


Dinalagsa ng mga aplikante ang dalawang araw na aktibidad dahil sa abot-kayang Student Permit Package na nagkakahalaga lamang ng ₱2,600. Ang nasabing promo package ay pasok na ang bayad para sa Accredited Theoretical Driving Course (TDC), Medical Examination, Assistance sa Document Processing, at Service Fee.


Bukod sa Student Permit, marami rin ang nagtungo upang magpa-assist sa iba pang proseso tulad ng:

  • Student Permit patungong Non-Professional License

  • Non-Pro patungong Professional License

  • Pag-renew ng mga Dormant o Expired License


Mahalagang Paalala sa Publiko: Nilinaw ng pamunuan ng barangay na ang programang ito ay naglalayong magbigay ng mga paunang kinakailangang sertipiko gaya ng TDC at Medical Exam sa mas madaling paraan. Ang pinal na pag-apply, pag-renew, o pagkuha ng mismong pisikal na lisensya ay kinakailangan pa ring isagawa ng aplikante sa mismong opisyal na Tanggapan ng LTO.


Dahil sa tagumpay ng "First Come, First Served" na programang ito, lubos ang pasasalamat ng mga mamamayan sa pamunuan ni Kap. Alexander Tigas sa pagdadala ng ganitong uri ng serbisyo na nakatipid sa oras at pamasahe ng mga nagnanais maging legal na driver.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page