top of page
bg tab.png

Mahalagang Census Para sa Pagwawasto ng Datos ng PSA, Isasagawa ng SB Marungko


Isang mahalagang census ang nakatakdang ganapin sa darating na Hunyo 15, 2026 (Lunes), mula 10:00 AM hanggang 12:00 PM, sa pangunguna ng Sangguniang Barangay ng Marungko.


Ang naturang aktibidad ay naglalayong masiguro at maitama ang mga impormasyon tulad ng kaarawan (birthday) at pangalan (names) ng mga residente na nagmula sa opisyal na rekord ng Philippine Statistics Authority (PSA).


Upang maging maayos at mabilis ang proseso, pinapaalalahanan ang lahat na dalhin ang mga sumusunod na dokumento:

  • National ID: Dalhin ang National ID ng benepisyaryo pati na rin ang sa lahat ng mga kasama sa bahay. Tinatanggap din ang picture ng National ID, digital ID, temporary ID, o transaction slip.

  • PSA Birth Certificate: Dalhin ito upang masiguradong tugma ang impormasyon sa National ID. Gayunpaman, kung sigurado nang tama ang mga detalye sa inyong National ID, hindi na kailangang dalhin ang PSA.



Binigyang-diin ng Sangguniang Barangay ang kahalagahan ng paglahok sa census na ito. Ayon sa pamunuan, napakahalagang ma-interview ang bawat pamilya dahil malaki ang posibilidad na magkaroon ng problema sa mga benepisyo sa 4Ps at Senior Citizen kung hindi maitatama ang inyong mga datos ngayon.


Para naman sa mga kabataang may edad 0 hanggang 17 taong gulang, pinapayuhan na ang kanilang mga magulang o legal na guardian na lamang ang pumunta sa pasilidad upang magpapanayam para sa kanila.


Hinihimok ng Sangguniang Barangay ang kooperasyon ng lahat para sa ikasasaayos ng mga lokal na programa at benepisyo sa Brgy. Marungko. Maraming salamat po!

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page