Mag-register na: Limited Slots na lang sa 1K Fur Run ng LGU Angat

Inanunsyo ng Municipal Tourism Office ng Angat na bukas pa rin ang pagpaparehistro para sa kategoryang 1K Fur Run sa nalalapit na Lakbay-Takbong Angat 2026.
Ayon sa naturang tanggapan, fully booked o puno na ang lahat ng iba pang kategorya ng fun run dahil sa mabilis na pagdami ng mga nagpalista. Dahil dito, limitado na lamang ang natitirang slots para sa mga gustong tumakbo kasama ang kanilang mga alagang hayop.
Hinihikayat ng LGU Angat ang mga pet owners at running enthusiasts na magparehistro agad habang may slots pa sa pamamagitan ng pag-scan sa opisyal na QR code o sa pagbisita sa online registration link na https://forms.gle/nYeHv5brXRvWCeBMA.










Comments