Mag-asawa sa Angat, Isinauli ang Natagpuang Wallet na may ₱56,000 Cash
- Angat, Bulacan

- Jun 23
- 1 min read

Sa gitna ng mga hamon sa buhay, pinatunayan ng isang mag-asawang Angateño na buhay na buhay at nagdidilim man ang paligid ay nangingibabaw pa rin ang katapatan at busilak na kalooban sa kanilang komunidad.
Isang taos-pusong pagkilala at pasasalamat ang personal na ipinaabot ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" Bautista kina G. Ramil Pinohon at Gng. Monalisa Pinohon, mga residente ng Barangay Pulong Yantok, matapos nilang maisauli ang isang nawawalang wallet na naglalaman ng kabuuang halagang ₱56,000.00.
Ayon sa ulat, natagpuan ng mag-asawang Pinohon ang pitaka na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Sa halip na manahimik, magbulag-bulagan, o angkinin ang nakita, hindi nag-atubili ang dalawa na dinala agad ito sa Tanggapan ng Punong Bayan upang humingi ng tulong na matunton ang may-ari.
Dahil sa kanilang mabilis at mabuting aksyon, matagumpay at ligtas na naibalik ang buong halaga ng pera kay Ms. Jeniffer Navarro, na isa ring residente ng Barangay Pulong Yantok.
Ipinaabot ni Mayor Jowar Bautista ang kanyang labis na paghanga sa mag-asawa, na aniya ay dapat magsilbing ehemplo at tularan ng bawat mamamayan ng Angat, bata man o matanda.









Comments