top of page
bg tab.png

Mabuting Pamamahala, Susi sa Pagbangon ng Angat


Ang mabuting pamamahala (good governance) na sinisikap ipatupad ng inyong lingkod ay nasuklian ng di matatawarang biyaya para sa bayan.


Mahigpit nating isinusulong ang TRANSPARENCY AT ACCOUNTABILITY kaya naman nabuo ang tiwala at kumpiyansa at umaagos ang suporta mula sa pribado at pampublikong sektor sa usapin ng pagsasakatuparan ng mga makabuluhang proyekto at paghahatid ng mga kinakailangang serbisyo para sa bayan ng Angat.


Kabilang dito ang pagpapatayo ng bagong munisipyo, pagkakaroon ng dialysis center sa bayan, Super RHU at mabilis na pagtugon sa mga apela o kahilingan para sa emergency relief assistance at recovery program para sa mga Angatenyo na naapektuhan ng kalamidad.


Maliban dito, tinitiyak din natin na may mahigpit na ugnayan sa mga mamamayan at may representasyon sila sa pamahalaan sa pamamagitan ng ating binuo na People’s Council. Sa ganitong paraan, matitiyak natin na ang mga proyekto, programa at serbisyong inilulunsad ay talagang makakatulong sa mga Angatenyo.


79 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page