Mabuhay ang mga Bagong Kasal! Pagmamahalan, Pinagtibay sa Harap ng Pamahalaang Bayan
- Angat, Bulacan

- 1 day ago
- 1 min read


Sa isang madamdamin at pormal na seremonya, pinangasiwaan ni Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista ang pag-iisang dibdib ng dalawang magkapareha nitong nakaraang araw sa Tanggapan ng Punong Bayan.
Pormal nang pinagbuklod bilang mag-asawa sina Mr. & Mrs. Marvin at Catherine Gabriel, gayundin sina Mr. & Mrs. Jose at Diann Abraham. Sa harap ng kanilang mga saksi at mahal sa buhay, nangako ang bawat isa ng katapatan at pagmamahal.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Bautista ang kahalagahan ng pagmamahalan, maayos na pakikitungo, at higit sa lahat, ang pagbibigay ng respeto sa kani-kanilang kabiyak. Ayon sa Punong Bayan, ang mga katangiang ito ang pundasyon upang matamasa ng mga bagong kasal ang isang payapa at matiwasay na buhay mag-asawa sa gitna ng mga hamon ng panahon.









Comments