Mabuhay ang Bagong Kasal!
- Angat, Bulacan

- Jul 15
- 1 min read

Pinangunahan at pinangasiwaan ng ating Punong Bayan, Reynante S. Bautista, ang makabuluhang seremonya ng pag-iisang dibdib nina Ginoo at Ginang Mark Gian at Yuki Arceo mula sa Barangay Sto. Cristo.
Sa paglalakbay ninyo bilang mag-asawa, nawa’y patuloy ninyong pagyamanin ang pagmamahalan, pagtitiwala, at respeto sa isa’t isa. Mahalaga ang maayos na komunikasyon at pag-unawa upang mapanatili ang isang matatag at maligaya na pagsasama. Hinihikayat namin kayong pangalagaan ang inyong relasyon nang may pagkalinga at respeto upang matamasa ninyo ang isang payapa, matiwasay, at masaganang buhay bilang mag-asawa.
Muli, binabati namin kayo ng taos-pusong pagbati at nawa’y pagpalain kayo ng Panginoon sa bawat hakbang ng inyong buhay magkasama.









Comments