Mabilis na Aksyon ng Lokal na Pamahalaan ng Angat sa Paglikas ng mga Residente, Isinagawa

Agad na umaksyon si Punong Bayan at MDRRMC Chairman Reynante "Jowar" S. Bautista ngayong gabi, matapos makatanggap ng ulat ukol sa pangangailangang ilikas ang mga residente ng Barangay Sta. Cruz at Barangay San Roque dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Ilog Angat.
Mabilis na naglabas ng direktiba ang Punong Bayan sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ma'am Menchie Bollas, MDRRMO sa pangunguna ni G. Carlos R. Rivera Jr., Municipal Nutrition Action Office (MNAO) sa pamamagitan ni G. Jay Gomez, katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) Angat Station upang maglunsad ng rescue at evacuation operations.

Dinala ang mga naapektuhang pamilya o Internally Displaced Persons (IDPs) sa Angat Municipal Evacuation Center sa Barangay San Roque. Ayon sa tala ng MSWDO, mabilis na naisagawa ang paglalatag ng logistics at nakapagpuno na ng 19 na modular tents. Nakaalalay rin ang Municipal Health Office (MHO) para magbigay ng konsultasyong medikal, habang ang BFP at PNP naman ang nag-alalay sa seguridad at pagsasaayos sa pasilidad.
Nananatiling nakaantabay ang lahat ng departamento ng pamahalaang lokal upang patuloy na bantayan ang kalagayan ng mga bakwit at ng buong bayan sa gitna ng banta ng baha.










Comments