Maagang Pamasko ni Mayor Jowar, Nagpa-contest sa Social Media: 20 Angateño, Mananalo ng Aginaldo!
- Angat, Bulacan

- 4 days ago
- 1 min read

Nagbigay ng maagang Pamasko si Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista sa pamamagitan ng isang online contest na inilunsad sa kanyang opisyal na social media page.
Bilang pakikiisa sa popular na trend, inanunsyo ni Mayor Jowar na mamimigay siya ng aginaldo sa 20 mapapalad na Angateño na makakasagot nang tama sa tanong na: “Ano ba ang tanging hiling ko ngayong Pasko?”
Mekanismo ng Pagsali:
Upang maging eligible sa maagang Pamasko, kailangang sundin ng mga residente ang mga simpleng mechanics:
I-comment ang tamang sagot gamit ang format na: SAGOT_PANGALAN_ADDRESS_GCASH NO.
I-mention ang 10 FB Friends.
I-share ang post sa sariling wall.
Hinimok ang mga Angateño na sumali kaagad at sundin nang maigi ang mechanics dahil maaari silang maging isa sa mga mabibigyan ng aginaldo.









Comments