Lumigent’z Band, Magtatanghal sa Mini Concert sa Angat Food Park

Muling mapupuno ng magandang musika at masayang ambiance ang Angat Food Park 2026 sa nakatakdang pagsasagawa ng Mini Concert ngayong Miyerkules, Oktubre 21, 2026.
Tampok sa gabing ito ang Lumigent’z Band, na maghahatid ng kanilang natatanging pagtatanghal at live music upang magbigay-aliw sa mga mamamayang Angatenyo at mga bisitang kumakain sa Food Park.
Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Angat, ang pagtatampok sa mga lokal na banda tulad ng Lumigent’z Band ay naglalayong magbigay ng angkop na entablado para sa mga musikerong Angatenyo habang naghahatid ng magandang karanasan at libangan para sa mga pamilya at magkakaibigan.
Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang buong komunidad na dumalo at suportahan ang lokal na musika habang tumatangkilik sa masasarap na pagkain mula sa mga lokal na negosyante sa bayan.










Comments