top of page
bg tab.png

Long Weekend is Coming!


Naglabas ng paalala ang lokal na pamahalaan upang ihatid ang masayang balita ukol sa nalalapit na long weekend para sa Araw ng mga Bayani ngayong Lunes, Agosto 31.


Bago pa man tuluyang pumasok sa "out of office" at "out of school" mode ang mga residente, hinimok ng lokal na pamahalaan ang lahat na samantalahin ang tatlong araw na pahinga para mag-bonding kasama ang pamilya, mamasyal, at makapag-recharge para sa pagpasok ng bagong buwan.


Kasabay nito, ipinaalala rin sa mga mamamayan ang tunay na kahulugan ng pista opisyal: ang pagpupugay sa mga pambansang bayaning nagbuwis ng buhay laban sa mga dayuhang mananakop upang ipaglaban ang kalayaan ng bansa, pati na rin sa mga modernong buhay na bayaning patuloy na naglilingkod sa bayan hanggang ngayon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page