Lokal na Recruitment Activity ng PESO Angat at Varn Holdings, Kasalukuyang Isinasagawa
- Angat, Bulacan

- Feb 13
- 1 min read

Binuksan ngayong araw, ika-13 ng Pebrero, ang pintuan para sa mga Angateño na naghahanap ng trabaho sa isinasagawang Local Recruitment Activity (LRA) sa Ground Floor ng New Municipal Building, Brgy. San Roque.
Ang aktibidad ay pinangungunahan ng Public Employment Service Office (PESO) Angat katuwang ang Varn Holdings Development Inc. Mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon, bukas ang hiring para sa iba't ibang teknikal na posisyon tulad ng Plant Mechanics, Lab Technicians, Welders, Machine Operators, at Forklift Operators.
Layunin ng programang ito na mailapit ang mga de-kalidad na trabaho sa mga residente ng Angat at mabigyan ng mabilis na pagkakataon ang mga bihasang manggagawa sa larangan ng maintenance at plant operations. Pinapaalalahanan ang mga aplikante na magdala ng kanilang updated resume at sariling ballpen para sa aplikasyon.
Hinihikayat ng PESO Angat ang lahat ng mga kwalipikadong aplikante na huwag palampasin ang pagkakataong ito na magkaroon ng matatag na hanapbuhay sa loob mismo ng ating lalawigan.








Comments