Local State of the Children Report (LSCR) 2025
- Angat, Bulacan

- 15 hours ago
- 1 min read

Isang makabuluhang okasyon ang ginanap sa Angat Municipal Gymnasium para sa pagdiriwang ng Local State of the Children Report (LSCR) 2025. Layunin ng programa na ilahad ang kasalukuyang kalagayan, karapatan, at pangangailangan ng kabataan sa bayan.
Ipinakita sa LSCR ang iba’t ibang programa ng LGU na sumusuporta sa kalusugan, edukasyon, proteksyon, at partisipasyon ng mga batang Angateño.
Nagbigay ng panawagan si Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista sa lahat ng dumalo:
“Ipagpatuloy natin ang pagtutulungan upang matiyak ang ligtas, malusog, at maunlad na kinabukasan ng bawat bata. Ang inyong tagumpay ay tagumpay nating lahat.”
Dinaluhan ang selebrasyon ng mga magulang, guro, Punong Barangay, miyembro ng CSO, katuwang na ahensya, Daycare Workers, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan, na nagpapatunay ng sama-samang pagtutulungan para sa kapakanan ng kabataan.
Ang pagdiriwang ay nagpapatibay sa pangako ng Pamahalaang Bayan: "Sa Angat, Walang Batang Maiiwan." Tinitiyak na ang bawat bata ay may ligtas na kapaligiran, dekalidad na edukasyon, sapat na suporta sa kalusugan, at pantay na oportunidad.









Comments