Local Social Pension sa 1500 Senior Citizens, Matagumpay na Naipamahagi
- Angat, Bulacan
- Jun 18
- 1 min read

Matagumpay na naipamahagi ang Local Social Pension (1st Semester) sa may kabuuang 1,500 senior citizen mula sa iba’t ibang barangay ng bayan. Ang naturang tulong pinansyal ay mula sa pondo ng lokal na pamahalaan.
Upang maging mas maayos at mas mabilis ang distribusyon ng pension, hinati ang mga benepisyaryo sa apat na cluster, batay sa kani-kanilang barangay:
• Cluster 1: Niugan, Donacion, Paltok
• Cluster 2: Binagbag, Sta. Lucia, Baybay, Banaban, Laog
• Cluster 3: Sulucan, Marungko, Taboc
• Cluster 4: Sta. Cruz, Sto. Cristo, San Roque, Encanto
• Pulong Yantok
Dinaluhan ito ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ang ilang lugar ng pamamahagi bilang pagpapakita ng suporta sa mga senior citizen. Pinangasiwaan ang programa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Menchie Bollas, katuwang ang mga kawani ng Municipal Treasurer’s Office at mga Daycare Workers.
Comments