Local Recruitment Activity para sa River and Roast Cafe, Kasalukuyang Isinasagawa sa PES Office ng Angat
- Angat, Bulacan

- Aug 11
- 1 min read

Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw, Agosto 11, 2026 (Martes), ang Local Recruitment Activity (LRA) para sa River and Roast Cafe sa pangangasiwa ng Public Employment Service Office (PESO) ng Angat.
Nagsimula ang naturang recruitment activity bandang 10:00 ng umaga sa PES Office na matatagpuan sa Ground Floor ng New Municipal Building, Barangay San Roque, Angat, Bulacan.
Layunin ng aktibidad na ito na magbigay ng mabilisang face to face hiring at oportunidad sa trabaho para sa mga Angateño na nagnanais pumasok sa industriya ng pagkain at serbisyo.









Comments