top of page
bg tab.png

Local Recruitment Activity para sa River and Roast Cafe, Isasagawa sa PESO Angat


Nag-anunsyo ang Public Employment Service Office (PESO) ng Angat ukol sa isasagawang Local Recruitment Activity (LRA) para sa mabilisang pagtanggap ng mga bagong kawani sa River and Roast Cafe, na matatagpuan malapit sa Bagong Munisipyo ng bayan.


Gaganapin ang nasabing recruitment activity sa Agosto 11, 2026 (Martes), simula 10:00 ng umaga sa PES Office, Ground Floor, New Municipal Building, Barangay San Roque, Angat, Bulacan.


Naghahanap ang nasabing kainan ng mga kwalipikadong aplikante para sa mga sumusunod na posisyon:

  • Dishwasher / Kitchen Steward (4 Bakanteng Pwesto)

    • Kwalipikasyon: Lalaki o babae (higit na inirerekomenda ang babae ngunit bukas para sa pareho), 20 hanggang 40 taong gulang. Nakatapos ng High School, Senior High School, o nakapag-kolehiyo. Malakas ang pangangatawan, matapat, masipag, at maayos sa kalinisan. Ang karanasan ay isang bentaha ngunit hindi kinakailangan.

    • Tungkulin: Maghugas at mag-sterilize ng mga kagamitan sa kusina, magpanatili ng kalinisan sa dishwashing area, at sumunod sa mga pamantayan ng food safety.

  • Line Cook / Kitchen Staff (11 Bakanteng Pwesto)

    • Kwalipikasyon: Lalaki o babae na may hilig at pagmamahal sa pagluluto. Bukas para sa mga may culinary background o kitchen experience, ngunit tinatanggap din ang mga baguhan na handang matuto at sumailalim sa pagsasanay. May positibong saloobin, disiplinado, at kakayahang magtrabaho sa mabilis na kapaligiran.

    • Tungkulin: Maghanda ng mga sangkap, magluto ng mga pagkain ayon sa resipe at pamantayan ng kainan, at panatilihing malinis ang workstation.


Pinapayuhan ang lahat ng interesadong aplikante na mag-preregister muna sa opisyal na online link (https://forms.gle/dLgfQGvFozTcuzcL8) bago pumunta sa pasilidad.


Dapat dalahin ng mga aplikante ang kanilang updated Resume at sariling itim na bolpen sa araw ng recruitment.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page