top of page
bg tab.png

Local Health Board Meeting, Tinalakay ang Mahahalagang Program at Proyektong Pangkalusugan sa Angat

Pinangunahan ni Municipal Health Officer Dra. Guillerma Bartolome ang Local Health Board (LHB) Meeting na ginanap sa Sangguniang Bayan Session Hall.


Tinalakay sa pagpupulong ang iba't ibang mahahalagang usapin kabilang ang pagbubukas ng Super Rural Health Unit, pag-update ng mga programa at aktibidad pangkalusugan, resulta ng ESU Functionality 2024, mga gabay sa pagsasagawa ng serbisyong ambulansya at ang allowance para sa mga Barangay Health Worker sa 2025. Tinalakay rin ang ilang iba pang mga usapin na may kinalaman sa kalusugan ng bayan.


Dinaluhan ang pagpupulong nina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Konsehal William Vergel De Dios at iba pang miyembro ng LHB.


Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay patuloy na nagbibigay ng mahalagang suporta sa sektor ng kalusugan upang lalong mapabuti at mapangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayang Angatenyo.

1 view0 comments

Commentaires


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page