Nagtipon sa Municipal Conference Hall ang mga kasapi ng Local Health Board para sa kanilang ika-apat na quarter meeting. Ang pagpupulong na ito ay pinangunahan ng Municipal Health Officer (MHO) na si Dra. Guillerma Bartolome kasama ang kanyang mga kawani. Kasama rin sa aktibidad na ito ang pagsuporta at pakikilahok ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama ang mga punong barangay at iba pang miyembro ng Local Health Board.
Sa pagpupulong, tinatalakay at pinag-usapan ang mga mahahalagang usapin tulad ng Universal Health Care, kung saan ang pangunahing layunin ay tiyaking ang bawat mamamayan ay mayroong access sa mga serbisyong pangkalusugan. Isa ring mahalagang bahagi ng talakayan ay ang pag-adopt ng mga benepisyo at insentibo para sa mga Barangay Health Workers (BHW) na may layuning maengganyo at mapabuti ang kanilang serbisyo sa mamamayan.
Kasunod nito, binigyang-diin din sa pulong ang mga nagawa at naabot na tagumpay ng Local Health Board sa kanilang mga programa at proyekto para sa taong 2023. Ipinakita at ibinahagi ang mga resulta at epekto ng mga inisyatibo ng komunidad sa larangan ng kalusugan.
Hindi rin nagpahuli sa agenda ang pagtalakay sa mga inaasahang gawain at aktibidad ng Health Board para sa nalalapit na buwan ng Disyembre. Ang mga planong ito ay may layuning paigtingin ang kamalayan sa kalusugan at magtaguyod ng mga programa na magdadala ng benepisyo sa bawat mamamayan.
Comments