Angat RHU, Naglabas ng Outsource Price List para sa mga Gamot at Laboratoryo
- Angat, Bulacan

- 1 day ago
- 1 min read


Bilang bahagi ng kampanya para sa transparency at abot-kayang serbisyong medikal, inilabas ng Angat Rural Health Unit (RHU) ang opisyal na Outsource Price List para sa mga pagsusuring laboratoryo at mga gamot.
Ang hakbang na ito ay naglalayong bigyan ng sapat na impormasyon ang mga Angateño tungkol sa mga gastusin para sa mga serbisyong medikal na kailangang i-outsource o kunin sa mga partner providers ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng listahang ito, masisiguro na ang mga pasyente ay makakakuha ng de-kalidad na serbisyo sa tamang presyo.
Hinihikayat ng Angat RHU ang mga mamamayan na sumangguni sa kanilang opisyal na bulletin board o magtanong sa mga health staff upang malaman ang mga updated na presyo bago sumailalim sa anumang eksaminasyon o bumili ng gamot. Ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na gawing mas "accessible" at tapat ang serbisyong pangkalusugan sa bayan.










Comments