LIVELIHOOD TRAINING SA HYDROPONICS FARMING, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA PARA SA MGA MAGSASAKA NG ANGAT
- Angat, Bulacan

- Aug 3
- 1 min read

Isang pagsasanay ukol sa makabagong teknolohiya sa pagtatanim o Hydroponics Farming ang matagumpay na isinagawa nitong Hulyo 3, 2026 sa Municipal Conference Hall ng Old Angat Municipal Building.
Ang naturang livelihood training ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng National Irrigation Administration (NIA) at ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Angat.
Dinaluhan ang pagsasanay ng mga kinatawan mula sa tatlong pangunahing samahan ng mga magsasaka sa bayan:
Binagbag Farmers Association Incorporated
Marungko Lalangan Irrigator's Association, Inc.
One Laog Farmers Irrigators Association, Inc.

Layunin ng programang ito na ipakilala at ibahagi ang mga bago at mas modernong pamamaraan ng pagtatanim nang hindi nangangailangan ng tradisyunal na lupa. Sa pamamagitan ng hydroponics, mas mapatataas ng mga magsasaka ang kanilang ani at mapalalawak ang kanilang kabuhayan.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Municipal Agriculture Office sa mga nag-organisa at sa aktibong pakikilahok ng mga magsasaka upang patuloy na maiangat ang sektor ng agrikultura sa Angat.









Comments