Sinimulan ang linggo sa pagsasagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat ng lingguhang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng mga kawani mula sa Municipal Nutrition Office.
Ito ay dinaluhan ng ating opisyales, mga Pinuno ng mga Tanggapan, Angat BFP, Angat PNP at lahat ng mga kawani ng iba't ibang departamento.
Patuloy na isinagawa ang Peoples Day sa ating Municipal Gymnasium upang maghatid ng serbisyo na laan sa ating mamamayan gaya ng pagbibigay ng Senior I.D., libreng gamot, laboratory at AICS. Layon nito na maihatid ang nararapat na serbisyo upang matugunan nang wasto ang bawat mga pangangailangan.
Comentarios