top of page
bg tab.png

Lingguhang Pagtataas ng Watawat


ree

Pinangunahan ng mga kawani mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang isinagawang lingguhang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Angat ngayong Lunes ng umaga. Sa naturang aktibidad ay nakiisa ang ating mahal na Punong Bayan, Hon. Reynante S. Bautista, kasama ang Pangalawang Punong Bayan, Hon. Arvin Agustin; mga kasapi ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal William Vergel De Dios at Konsehal JP Solis; at mga kinatawan mula sa Angat Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP), gayundin ang iba’t ibang departamento at mga kawani ng lokal na pamahalaan.


Bilang bahagi ng programa, isinagawa rin ang opisyal na pamamahagi ng mga sertipiko ng pagkilala sa mga indibidwal na matagumpay na lumahok sa Basic Life Support – Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) with Automated External Defibrillator (AED) Training na ginanap noong ika-17 at ika-18 ng Hulyo 2025. Ang pagsasanay ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng MDRRMO sa pagpapaigting ng kahandaan at kaalaman ng mga mamamayan sa pagtugon sa mga emerhensiya at sakuna.


Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, higit pang pinagtitibay ang pagkakaisa, disiplina, at kahandaan ng mga kawani at mamamayan tungo sa isang ligtas at maunlad na bayan ng Angat.

Comentarios


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page