Masigla at may galak na sinimulan ang unang linggo ng Hulyo sa pagsasagawa ng lingguhang pagtataas ng watawat sa pangunguna ng mga kawani mula sa Municipal Planning & Development Office. Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Sangguniang Bayan members, Angat PNP, Angat BFP, mga pinuno ng bawat tanggapan ang mga kawani ng pamahalaang lokal.
Binigyan ng pagkilala ang ating kapulisan na si PCpl. Rham Anderson T. Reyes bilang Station Idol of the month (Ideal Deeds of a Law).
Comments