Lingguhang Pagtataas ng Watawat
- Angat, Bulacan

- Jul 14
- 1 min read

Isinagawa ngayong araw ang lingguhang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng mga kawani mula sa Rural Health Unit ng Bayan ng Angat. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga pinuno ng iba't ibang tanggapan, kinatawan mula sa Angat PNP at BFP, at iba pang kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat.

Ang ganitong aktibidad ay mahalagang pagkakataon upang sariwain at pagnilayan ng bawat kawani at opisyal ang kanilang sinumpaang tungkulin bilang mga lingkod bayan. Sa pamamagitan ng pagdalo at aktibong pakikibahagi sa mga ganitong seremonya, pinalalalim ang diwa ng malasakit, disiplina, at dedikasyon sa patuloy na paghahatid ng tapat, mahusay, at makataong serbisyo publiko para sa kapakanan at kabutihan ng mamamayan ng Angat.









Comments