Ang pagdaraos ng Lingguhang pagtataas ng watawat na pinangunahan ng mga kawani mula sa National Agencies (DTI at BIR). Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, Sangguniang Bayan Members, mga pinuno ng bawat tanggapan, mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan, Angat PNP, Angat BFP at mga sundalo mula sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Ipinakita din ng ating Punong Bayan ang dalawang bagong behikulo na magagamit ng bawat kawani ng Pamahalaang Bayan sa paghahatid ng agarang serbisyo sa ating mga mamamayan. Pagkatapos magbahagi ng ating butihing mayor ay sinundan naman ito ng pagbabasbas upang siguruhing ligtas ang mga gagamit nito.
Comments