Ang pagdaraos ng lingguhang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng mga kawani mula Municipal Disaster and Risk Reduction Office. Pagkatapos nito ay sinundan naman ng isang Banal na Misa sa pangunguna ni Rev. Msgr. Manuel Villaroman. Dinaluhan ito ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, Sangguniang Bayan Members, mga Pinuno ng Tanggapan, Angat PNP, Angat BFP at lahat ng kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Ibinahagi sa homilya “Lahat ng imposible na dati hindi magagawa, ngayon pwede monang gawin, sapagkat ang tao ay binigyan ng Diyos ng isip, ng pagtatalaga ng sarili at determinado sa pag-gawa ng mabuti. Whatever is impossible remember in God everything is possible.” -Mons. Manny Villaroman.
Comments