top of page
bg tab.png

Lingguhang Pagtataas ng Bandila



Pagsasagawa ng lingguhang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng mga kawani mula sa Municipal Engineering Office. Dinaluhan ito ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Vice Mayor Arvin L. Agustin at Sangguniang Bayan Members, Angat PNP, Angat BFP, mga Pinuno ng Tanggapan gayundin ang lahat ng kawani ng ating Pamahalaang Bayan. Pagkatapos nito ay sinundan naman ng isang Banal na Misa sa pangunguna ni Rev. Msgr. Manuel Villaroman.



“Nakaraan na po ang isang taon ng ating administrasyon, sa aking pong palagay, sa amin pong pagtatama naging maganda ang ating unang taon, madami tayong nailatag na proyekto at programa at yon ay hindi ko magagawa kung wala ang suporta ng Sangguniang Bayan at lahat ng kawani ng ating pamahalaang bayan. Itong pangalawang taon natin na ito, ay maging masigasig tayo sa pagsisilbi sa pagbibigay ng serbisyo sa ating nasasakupan. Alam kong makakaya natin at malayo pa ang mararating dahil tayo ay nagkakaisa upang mag serbisyo sa sambayang Angatenyo.”

-Mayor Jowar Bautista


Sa isang taong nakalipas sa pamumuno ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista sa ating munisipalidad, makikita ang lahat ng magandang proyekto at programa na higit na inilalaan sa kapakinabangan ng taong bayan. Inaasahan na sa pagpapatuloy na paglilingkod ng administrasyon, inaasahan na mas pag-iibayuhin ang mga magandang nasimulan sa pag-abot ng asenso at reporma ng ating minamahal na bayan.


2 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page