Pinangunahan ng mga kawani mula sa ating Municipal Health Office ang lingguhang Flag Raising Ceremony na ginanap sa harap ng ating Pamahalaang Bayan ng Angat. Pagkatapos ay sinundan naman ng isang banal na misa sa pamamagitan ni Rev. Msgr. Manuel B. Villaroman. Dinaluhan ito ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Vice Mayor Arvin L. Agustin at Sangguniang Bayan Members. Naroroon din ang mga Pinuno ng Tanggapan at maging ang mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan.
Nagpapasalamat ang ating butihing Mayor sa naging matagumpay na pagpupulong ng mga pinuno ng tanggapan para sa buwan ng Enero gayundin ang matagumpay na pagganap ng isinagawang Business One-Stop Shop sa pagtataas sa antas ng pagtataya ng buwis ng bawat establisyemento sa ating Bayan. Hinihikayat ang lahat ng mga kawani ng ating Pamahalaan na maipakita sa mamamayang Angateño na hindi masasayang ang kanilang ibinayad na buwis.
Naibahagi naman sa homilya, "Ang bawat isa ay merong ginagampanan na papel, gampanan natin ang ating mga tungkulin sapagkat kayo ang pag-asa ng tao, kayo ang nagbibigay ng sigla sa buhay ng mga tao, at kayo ang kapanatagan sa buhay ng tao at yun ang kahulugan ng paglilingkod, ang kahulugan na tayo’y pinagkatiwalaan ng Diyos at ng taong bayan."
-Mons. Manny Villaroman
Comentarios