top of page
bg tab.png

Lingguhang Paglilinis sa Banaban, Tuloy-tuloy ang Implementasyon


Upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng komunidad, muling nagkaisa ang mga opisyal at residente ng Barangay Banaban para sa isinagawang Weekly Clean-up Drive ngayong huling Sabado, ika-28 ng Pebrero, 2026.


Ang lingguhang aktibidad na ito ay bahagi ng adbokasya ng Sangguniang Barangay upang siguruhing malinis ang mga pangunahing daanan at walang pinamumugaran ng mga sakit ang bawat purok.


Sa pangunguna ng mga Barangay Officials, katuwang ang mga Barangay Tanods, Health Workers, at mga boluntaryong mamamayan, tinutukan ng operasyon ang pagsasaayos ng mga kanal, vegetation control o pagtabas ng mga matatayog na damo sa gilid ng kalsada na maaaring pagtaguan ng mga insekto at peste at waste segregation o pagpapaalala sa tamang paghihiwalay ng nabubulok (biodegradable) at di-nabubulok (non-biodegradable) na mga basura.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page