Lingguhang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Angat, Pinangunahan ng MSWDO

Pinangunahan ng mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang muling pagsasagawa ng lingguhang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Angat ngayong araw, Setyembre 14, 2026.
Nakiisa sa pampublikong pagtitipon sina Konsehal John Patrick D.C. Solis at Konsehal Evelyn J. Cruz, kasama ang mga pinuno at kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Dumalo rin sa naturang aktibidad ang mga opisyal at kawani ng Angat Municipal Police Station (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP - Angat Station), katuwang ang buong hanay ng mga empleyado ng Pamahalaang Bayan. Ang regular na pagtataas ng watawat ay bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng disiplina, pagkakaisa, at dedikasyon sa pampublikong paglilingkod sa mga mamamayan ng Angat.










Comments