Lingguhang Flag Raising Ceremony at Pagkilala sa mga Lingkod-Bayan
- Angat, Bulacan
- Sep 29
- 1 min read

Pinangunahan ng Human Resource Management Office ang lingguhang flag raising ceremony na dinaluhan nina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Konsehal William Vergel De Dios, Konsehal JP Solis, mga kinatawan mula sa Angat PNP at Angat BFP, kasama ang iba pang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Bilang pakikiisa sa makasaysayang pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Philippine Civil Service, ginawaran ng pagkilala ang piling kawani ng pamahalaang lokal bilang pagpapahalaga sa kanilang matagal na panahon ng tapat at walang sawang paglilingkod sa bayan.
Ang parangal na ito ay simbolo ng taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa sakripisyo, dedikasyon, at sipag ng ating mga lingkod-bayan, na nagsisilbing huwaran hindi lamang sa kanilang kapwa kawani kundi maging sa buong komunidad ng Angat.
Comments