LINGGUHANG CLEAN-UP DRIVE, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA SITIO LUNTIANG PARANG

Isinagawa ang lingguhang Clean-Up Drive sa Sitio Luntiang Parang, Barangay Baybay ngayong Hulyo 18, 2026.
Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay at mga residente sa paglilinis ng mga kalsada, kanal, at pampublikong lugar upang mapanatiling maayos ang kapaligiran at maiwasan ang pagdami ng mga pesteng nagdadala ng sakit.
Ang regular na paglilinis na ito ay bahagi ng patuloy na programa ng ating lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Reynante S. Bautista at Vice Mayor Arvin L. Agustin upang panatilihing malinis, ligtas, at maayos ang bawat sulok ng Bayan ng Angat.










Comments