Lingguhang Clean-Up Drive, Matagumpay na isinagawa sa Barangay Sulucan

Nagsagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive ang pamunuan ng Barangay Sulucan sa purok ng Libis na Malaki ngayong Oktubre 3, 2026.
Nagpanik-purok ang mga opisyal at residente upang magtulong-tulong sa paglilinis ng mga kalsada, kanal, at pampublikong espasyo bilang bahagi ng patuloy na programa para sa kalinisan at kalusugan ng pamayanan.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng barangay sa bawat residenteng nakiisa at nagpakita ng kooperasyon upang panatilihing maayos, malinis, at ligtas sa anumang banta ng karamdaman ang kanilang kapaligiran.
Ayon sa Barangay Sulucan, ang patuloy na pagtutulungan ng komunidad sa mga ganitong aktibidad ay mahalagang hakbang upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng buong barangay.










Comments