Lingguhang Clean-Up Drive, Isinagawa sa Barangay San Roque

Isinagawa ng pamunuan ng Barangay San Roque ang kanilang Weekly Clean-Up Drive nitong Oktubre 3, 2026.
Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay at mga residente sa pag-iikot at paglilinis ng mga pangunahing kalsada, kanal, at pampublikong pasilidad upang tiyakin ang kalinisan at kaayusan sa buong pamayanan.
Ayon sa pamunuan ng barangay, ang patuloy na pagsasagawa ng lingguhang linis-barangay ay mahalagang hakbang upang maiwasan ang pagdami ng mga peste at banta ng mga karamdaman tulad ng dengue.
Nagpaabot ng pasasalamat ang Barangay San Roque sa lahat ng nakiisa at nagpakita ng kooperasyon upang panatilihing maayos, malinis, at ligtas ang kanilang kapaligiran.










Comments