top of page
bg tab.png

Limang Sako ng Bigas, Ipinagkaloob ng SEPAR Environmental Corp. para sa mga Nasalanta sa Angat


Umagapay ang pribadong sektor sa mga mamamayan ng Angat matapos opisyal na mag-abot ng donasyong limang (5) sako ng bigas ang SEPAR Environmental Corporation para sa mga pamilyang naapektuhan ng pinalakas na Hanging Habagat (Enhanced Southwest Monsoon).


Inihandog ang naturang tulong sa Municipal Government of Angat sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). Personal itong tinanggap ni OIC-Municipal Administrator Carlos R. Rivera Jr. bilang kinatawan ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista.


Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa ipinakitang bukal sa loob na suporta ng SEPAR Environmental Corporation. Ayon sa pamahalaang lokal, ang mga ganitong inisyatibo mula sa mga pribadong kumpanya ay malaking tulong sa pagbangon ng mga Angatenyo at patunay ng lakas ng pagkakaisa sa bayan.

Ipapamahagi ang mga natanggap na relief goods sa mga kababayang pinaka-nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng MSWDO.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page