LIGTAS SA PAGBAHA, PUROK UNO NAGHAHANDA!
- Angat, Bulacan

- Jun 4
- 1 min read

Sa pangunguna ni Kapitan Roberto Maximo ay nakipag ugnayan sa Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay naisakatuparang malinis at maiayos ang daloy ng tubig mula sa sapa na matatagpuan sa Purok Uno ng Barangay Niugan.
Ang proyektong ito ay isinagawa bilang paghahanda sa tag-ulan upang maiwasan ang posibleng pagbaha sa Barangay.
Inaasahan na aabot sa dalawang bagyo ang maaaring pumasok sa bansa ngayong buwan. Nakatuon ang opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga proyekto para sa paghahanda sa kalamidad na naka angkla sa direktiba ng ama ng Bayan ng Angat Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087









Comments