top of page
bg tab.png

Libreng Theoretical Driving Course at Comprehensive Driver's Education hatid ng LTO at ng Angat


Namomroblema ka ba sa pag-aayos ng lisensya?


Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa Land Transportation Office (LTO) at JPMS Driving School, ilulunsad po ang 15-oras na Theoretical Driving Course (para sa mga nais kumuha ng Student Permit) at Comprehensive Driver’s Education (para sa mga nais mag-renew ng lisensya). Gaganapin ito sa ating Municipal Evacuation Center sa Disyembre 8-9 mula alas-8:00 ng umaga.


Bukod sa hindi mo na kinakailangang magbayad ng hindi bababa sa P2,000, makakatipid ka pa sa gastusing pamasahe upang maka-avail ng training. LIBRE po ang pagsasanay kaya naman P500 na Medical Certificate na lamang po ang inyong paghahandaan ng budget.


Maaari pong magpalista sa Mayor’s Office mula alas-8:00 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon. Dalhin lamang ang inyong lumang lisensya o valid ID. Hanapin si Ms. Mae Groyon upang kayo ay magabayan.


Municipal Government of Angat


28 views0 comments

Yorumlar


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page