Libreng TESDA Training!
- Angat, Bulacan
- Jun 24
- 1 min read

Libreng TESDA Training ba ulit ang gusto mo? Open pa rin po!
Ang Maharlika School of Life na matatagpuan sa 261 Tugatog, Marungko, Angat, Bulacan ay naghahanap ng 100 iskolar na mag-aaral ng AGRO-ENTREPRENEURSHIP NC II.
Ang kurso ay naglalayong magturo ng kaalaman sa pagsasaka, pagnenegosyo, at pagpapaunlad ng kabuhayan. Ang mga iskolar ay hahatiin sa 4 na batch at inaasahang makikinabang sa mga kasanayang praktikal at angkop sa kanilang pangkabuhayang pag-unlad.
Sa mga gustong makasali, mangyari lang pong magpasa ng mga sumusunod na requirements sa aming tanggapan sa munisipyo:
• Valid Government-issued ID
• Photocopy of PSA Birt Certificate
• Marriage Certificate for married female
• Passport size picture (2 copies)
• 1x1 picture (2 copies)
Comentarios