top of page
bg tab.png

LIBRENG PA-TRAINING: TESDA Barista NC II, Bukas Na sa Angat; Deadline ng Pag-apply, Hanggang Hulyo 21 Na Lang!


Magandang balita para sa mga nagnanais matutong gumawa ng kape at magkaroon ng sertipikasyon sa barista operations!


Nagsimula nang tumanggap ng mga aplikante ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) ng Angat para sa FREE TESDA Barista NC II Training Program.


Urgent ang paalala ng PESO Angat na ang huling araw ng pagpapasa ng mga kinakailangang dokumento ay sa Hulyo 21, 2026.


Ang mga matatanggap na iskolar sa ilalim ng proyektong ito ay makatatanggap ng mga sumusunod na benepisyo:

  • 100% Libreng Tuition Fee

  • Libreng Competency Assessment (TESDA National Certificate)

  • Araw-araw na Training Allowance


Para sa mga interesadong mag-apply, ipasa ang mga sumusunod na requirements sa PESO Office, na matatagpuan sa Bagong Gusali ng Pamahalaang Bayan ng Angat:

  • PSA Birth Certificate

  • Form 137 o Transcript of Records (TOR)

  • 2 pirasong Passport-size Picture (White Background)

  • 4 na pirasong 1x1 Picture

  • 1 Valid ID

  • Marriage Certificate (Para lamang sa mga may-asawang babae)

  • Kailangan para sa Allowance: Obligado ang bawat iskolar na magbukas ng Landbank PISO Account at isumite ang detalye o patunay ng account upang matanggap ang nakalaang araw-araw na training allowance.


Dahil limitado lamang ang mga bakanteng pwesto, ipinatutupad ang patakarang first-come, first-served basis. Pinapayuhan ang lahat ng gustong humabol na magpasa agad ng kanilang mga requirement bago matapos ang takdang araw ng deadline.

Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page