Libreng BTL at Vasectomy, Matagumpay na Inilapit sa Taboc
- Angat, Bulacan

- 5 days ago
- 1 min read

Bilang bahagi ng mas pinalakas na kampanya para sa responsableng pagpapamilya, matagumpay na idinaos ang Libreng Bilateral Tubal Ligation (BTL) at Non-Scalpel Vasectomy (NSV) nitong ika-24 ng Marso, 2026, sa Taboc Super Health Center.
Ang nasabing serbisyo ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Service Outreach and Distribution Extension (SODEX) Mobile Clinic ng DKT Philippines, katuwang ang Angat Rural Health Unit (RHU) at ang Municipal Population Development (POPDEV). Layunin ng inisyatibong ito na magbigay ng ligtas at permanenteng method ng family planning para sa mga mag-asawang nagnanais na limitahan ang bilang ng kanilang anak base sa kanilang kakayahan.

Daan-daang residente ang nabigyan ng pagkakataon na sumailalim sa mga nasabing pamamaraan nang walang anumang bayad. Ang BTL ay para sa mga kababaihan, habang ang Non-Scalpel Vasectomy naman ay isang mabilis at ligtas na opsyon para sa mga kalalakihan na nais makibahagi sa responsibilidad ng pagpapaplano ng pamilya.
Ayon sa POPDEV Angat, ang paglalapit ng ganitong mga serbisyo sa pamamagitan ng mobile clinic ay isang epektibong paraan upang matiyak na ang mga modernong paraan ng contraception ay abot-kamay ng bawat pamilyang Angateño, tungo sa isang mas maayos at masiglang pamayanan.









Comments