top of page
bg tab.png

Libreng Binhing Palay, Ipapamahagi sa mga Magsasaka sa Angat


Opisyal nang sinimulan ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Angat ang malawakang pamamahagi ng libreng Hybrid at Inbred Rice Seeds para sa mga rehistradong magsasaka sa bayan, bilang paghahanda sa pagbubukas ng Wet Season 2026.


Ang aktibidad na may temang "Angat ka sa ANGAT" ay isinasagawa sa barangay ng Pire, Sta. Lucia, Angat, Bulacan. Layunin ng programang ito ng lokal na pamahalaan, sa pamumuno ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, na patuloy na maging katuwang ng mga magsasaka sa pagpaparami ng ani at pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa komunidad.


Upang matiyak ang maayos, mabilis, at organisadong daloy ng distribusyon, hinati sa limang araw ang iskedyul para sa iba't ibang barangay:


  • DAY 1 (Hunyo 15, Lunes)

    • 8:00 AM - 12:00 PM: Taboc & Banaban

    • 1:00 PM - 4:00 PM: Laog & San Roque

  • DAY 2 (Hunyo 16, Martes)

    • 8:00 AM - 12:00 PM: Marungko & Encanto

    • 1:00 PM - 4:00 PM: Sulucan & Baybay

  • DAY 3 (Hunyo 17, Miyerkules)

    • 8:00 AM - 12:00 PM: Binagbag & Paltok

    • 1:00 PM - 4:00 PM: Sta. Lucia & Pulong Yantok

  • DAY 4 (Hunyo 19, Biyernes)

    • 8:00 AM - 12:00 PM: Niugan & Sta. Cruz

    • 1:00 PM - 4:00 PM: Donacion & Sto. Cristo

  • DAY 5 (Hunyo 20, Sabado)

    • 8:00 AM - 12:00 PM & 1:00 PM - 4:00 PM: Bukas para sa lahat ng barangay (All Barangays)


Ipinaaalala ng tanggapan ng agrikultura ang mga sumusunod na alituntunin para sa mga kukuha ng kanilang binhi:

  • Para sa mga Makakadalo: Bukas lamang ito para sa mga magsasakang rehistrado sa RSBSA (Registry System for Basic Sectors in Agriculture). Kinakailangang magdala ng Valid ID. Hinihikayat din silang magsama ng katuwang sa pagbubuhat upang mas mabilis ang proseso.

  • Para sa may Kinatawan (Proxy): Kung hindi makakarating ang magsasaka, maaaring magpadala ng kinatawan na may dalang Authorization Letter, photocopy ng valid ID ng magsasaka, at photocopy ng valid ID ng kinatawan.


Para sa mga karagdagang katanungan at linaw, pinapayuhan ang mga magsasaka na direktang makipag-ugnayan o sumadya sa tanggapan ng Municipal Agriculture Office.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page