LGU Angat, Nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment
- Angat, Bulacan

- 4 days ago
- 2 min read

Nagsagawa ng komprehensibong Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ang Bayan ng Angat, sa pamumuno ni Mayor at MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Bagyong #UwanPH.
Pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), ang diskusyon at PDRA Scenario Building na naglalayong tukuyin ang kapasidad ng lokal na pamahalaan sa pagtugon, sakaling lumala pa ang sitwasyon.
Inaasahang Epekto at Banta ng Bagyo
Ayon kay G. Rivera, inaasahang mararamdaman ang epekto ng Bagyong Uwan simula Linggo ng umaga, at ang pinakamalakas na bugso nito ay maaaring maranasan sa hapon ng kaparehong araw.
Batay sa forecast ng PAGASA, sasailalim sa Orange Rainfall Warning Level (100-200 mm) ang buong Bulacan mula tanghali ng Linggo hanggang tanghali ng Lunes.
Tinukoy ang mga pangunahing banta sa Angat:
Malakas na Hangin at Ulan: Pagdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga matataas na barangay.
Angat Dam: Pagpapakawala ng tubig.
Abala: Pagkawala ng supply ng kuryente at tubig, hindi madaanan na kalsada, at pagkawala ng komunikasyon.
Paghahanda at Koordinasyon ng LGU
Kasalukuyan nang isinasagawa ng MDRRMO ang Preparedness Measures and Response Actions, kabilang ang Early Warning and Advisory Issuance, pagtukoy at paghahanda ng mga relief items, at koordinasyon.
Tiniyak ni Mayor Bautista ang pag-activate ng Evacuation Management Team, Incident Command System, at iba pang Response Clusters sa Linggo upang matiyak ang maagap na pagtugon.
Ang Bawat Ahensya, Handa:
Pulisya Ng Angat (Chief Jayson Viola): Tutulong sa pagpapalikas at pag-iimplementa ng Evacuation orders para sa kaayusan.
Municipal Administrator (Gia Vergel De Dios): Titiyakin ang patuloy na public service sa pamamagitan ng pag-aaral sa skeletal work-force.
Municipal Agriculture Office (Keanne Mangcucang): Patuloy ang komunikasyon sa mga magsasaka para sa paghahanda ng pananim.
RHU (Dra. Bartholomew): Handang mag-deploy ng personnel sa Evacuation Center upang maagapan ang sakit.
Municipal Engineering Office: Makikipag-ugnayan sa Power Corporations para sa mabilisang pagsasaayos ng kuryente.
Business Permit and Licensing Office (Yral Calderon): Iminungkahi ang pagpapaabot ng tulong sa mga apektadong SMSEs.
Sa huli, nanawagan ang Punong Bayan at MDRRM Council Chairman Bautista na maging maagap ang lahat ng kawani sa pagtugon.
Hinihikayat ng MDRRMO ang bawat Angateño na maging handa at tumutok sa kanilang FB Page para sa iba pang anunsyo.








Comments