LGU Angat, Nagdaos ng Flag Ceremony Kasabay ng Pagkilala sa Palaro Medalist
- Angat, Bulacan

- 7 hours ago
- 1 min read

Sinalubong ng buong pamunuan at mga kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Angat ang bagong linggo sa pamamagitan ng kanilang regular na Weekly Flag Raising Ceremony, na sinundan ng pagkilala sa natatanging tagumpay ng isang batang atletang Angateño.
Ang pambansang seremonya ngayong linggo ay pinangunahan ng mga masisipag na kawani mula sa Municipal Budget Office (MBO).
Nakiisa sa aktibidad si Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, kasama sina Konsehal Blem Cruz at Konsehal JP Solis.

Dumalo rin sa pagtitipon ang mga Pinuno ng iba't ibang Tanggapan, ang pwersa ng kapulisan mula sa Angat PNP, mga bumbero mula sa Angat BFP, at ang kabuuang puwersa ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan upang ipakita ang nagkakaisang suporta sa mga programa ng munisipyo.
Ang highlight ng seremonya ngayong umaga ay ang paggawad ng mataas na pagkilala kay Jaina Meari M. Sarmiento, ang kahanga-hangang mag-aaral mula sa Colegio de Sta. Monica de Angat.
Si Sarmiento ay binigyang-pugay sa harap ng buong munisipyo matapos nitong iuwi ang malaking karangalan para sa bayan mula sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2026. Nagningning ang batang atleta sa larangan ng Women's Artistic Gymnastics (WAG) – Elementary Division kung saan matagumpay niyang nasungkit ang mga sumusunod na parangal:
🥇 Team Champion
🥈 Silver Medal – Vault Routine
🥉 Bronze Medal – Individual All-Around
Personal na binati nina Mayor Bautista at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang batang gymnast para sa kanyang ipinamalas na sipag, tiyaga, at dedikasyon sa murang edad na nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng kabataang Angateño.








Comments