top of page
bg tab.png

LGU Angat, Mabilis na Rumesponde sa mga Pagguho ng Lupa sa Banaban at Marungko


Agarang tinugunan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Angat ang mga ulat ng pagguho ng lupa sa dalawang barangay sa bayan kasunod ng mga naranasang pag-ulan.


Nitong Hulyo 9, nagtungo ang mga kinatawan ng LGU sa entrada ng Banaban 2nd sa Barangay Banaban upang suriin ang naitalang pagguho roon. Bago ang inspeksyon, nagpatawag muna ng emergency meeting sa Emergency Operations Center (EOC) si Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, MGDH / MDRRMC Chairperson, kasama ang binuong inter-agency task force upang magkaroon ng komprehensibong konsultasyon sa mga barangay at matiyak ang mabilis na pag-aksyon.



Samantala, mabilis ding rumesponde ang pamahalaang lokal sa hiwalay na insidente ng Rain-Induced Landslide sa Purok Libis, Barangay Marungko na nagdulot ng pagguho sa isang maliit na daan patungo sa Ilog Angat.


Ayon sa opisyal na ulat, walang nasaktan o naitalang casualty sa parehong insidente sa Barangay Banaban at Marungko.


Nanguna sa pagsusuri sa mga apektadong lugar ang mga kawani mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Engineering Office (MEO), at Municipal Planning and Development Office (MPDO).


Nananatiling nakataas sa buong alerto ang Pamahalaang Bayan ng Angat habang patuloy na nakabukas ang Emergency Operations Center (EOC Command Room) upang magbantay at tumugon sa anumang sakuna.


Para sa mga nangangailangan ng tulong o may emergency, makatutugon ang Angat Rescue Hotline:

  • Smart/Sun: 0923-926-3393

  • Globe: 0917-710-5087

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page