top of page
bg tab.png

LGU Angat, Ginawaran ng CSC ng PRIME-HRM Accreditation Award


ree

Isang malaking karangalan ang nakamit ng Pamahalaang Bayan ng Angat matapos itong parangalan ng Civil Service Commission (CSC) bilang PRIME-HRM Accreditation Awardee sa national level.


Ang Angat ay kabilang sa pitong (7) ahensya at institusyon mula sa lalawigan ng Bulacan na pumasa sa mahigpit na pagsusuri ng CSC.


Ang PRIME-HRM o Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management ay isang pambansang programa ng CSC na naglalayong iangat ang kalidad ng Human Resource (HR) systems ng mga ahensya ng gobyerno.


Sinusuri ng programa ang LGU sa apat na pangunahing aspeto:


  1. Recruitment, Selection at Placement

  2. Learning and Development

  3. Performance Management

  4. Rewards and Recognition


Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng administrasyon na maghatid ng mas mataas na antas ng serbisyo publiko sa bawat Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page